Malakas na sampal ang ibinigay ng presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Lasam, Cagayan sa emcee sa pagdiriwang ng Tinupig Festival kamakailan.

Kitang kita sa video na iniere sa 24 Oras ang pananampal ni Kapitan Fred Arthur Agatep, presidente ng ABC sa bayan ng Lasam, sa emcee.

Hindi raw narinig ni Agatep na binanggit ng emcee ang kanyang pangalan.

Nagulat ang emcee, pati na rin ang ibang tao, dahil dinid naman daw na tinawag ang pangalan ng kapitan.

Lasing daw noon si Agatep, na kita rin sa video na medyo sumuray habang nasa entablado.

Wala pang pahayag ang naturang kapitan. —ALG, GMA News