Matagumpay na naisalba ng mga duktor sa Shanghai ang buhay ng isang 22-anyos na lalaki nang maalis nila ang bahagi ng bituka nito na naglalaman ng naipong mga dumi na tumitimbang na 13 kilo.

 

(Larawan: Screengrab The Straits Times Twitter)

Batay sa local news, iniulat ng The Straits Times, na nagtungo umano sa Shanghai's Tenth People's Hospital ang pasyente na mistulang buntis dahil sa laki ng tiyan at hirap na sa paghinga.

Matapos ang eksaminasyon, nakita ang naipong dumi sa bituka niya kaya kaagad siyang isinailalim sa operasyon na tumagal ng tatlong oras para tanggalin ang tinawag nilang "megacolon."

Dahil sa kondisyon ng lalaki, hindi na umano ito nakakadumi at laging nakararamdam ng sakit.  Bata pa lang umano ay nakararanas na ang pasyente ng hirap sa pagdumi.

Naalis ang bahagi ng bituka ng pasyente na may habang 76cm long at may bigat na 13 kilo. -- FRJ, GMA News