Isang video mula sa isang source ang magpapatunay umano na miyembro talaga ng Maute group ang naarestong si Abu Jadid.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing makikita sa video ang mga mandirigma ng Maute na magkakasama sa Butig, Lanao del Sur.

Nauna nang itanggi ni Abu Jadid na siya ay miyembro ng Maute group na tinutugis ng mga awtoridad nang mahuli sa Cagayan de Oro City.

Sinasabing eksperto sa paggawa ng bomba si Jadid.

Makikita rin sa video ang ilang bata na kasama sa grupo, na ngayo'y nakikipagbakbakan umano sa tropa ng militar sa Marawi City. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News