Sa isang padalang larawan,  nakunan sa loob ng Lusok Cave sa Calayan Islands ang imahe ng tila isang sirena na kasamang lumalangoy ng ilang kabataan. Siniyasat ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang katotohanan kung ano nga ba ang naturang "nilalang" sa likod ng larawan.

Ayon kay Joy Mangasar, dakong 9:00 am nang nagpunta sila ng kaniyang mga pamangkin sa kuweba na may tubig sa loob.

Nang lumalangoy na ang kaniyang pamangkin, kinunan niya ito ng larawan.

Pero nang tingnan na nila ang mga larawan nang sila ay makauwi,  doon nila napansin isang tila kakaibang anyo na kasama ng mga bata na lumalangoy sa tubig.

Sirena nga ba ang kanilang nakita? Panoorin ang ginawang pagsisiyasat ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo:

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News