Nabangga ng isang rider ang isang kotse dahil abala ito sa kanyang cellphone, ngunit tinakasan niya ang kanyang biktima.

Makikita sa isang dash cam na gumagamit ng cellphone ang rider habang nagda-drive bayan ng Buan sa Batangas, kung kaya't nabangga niya ang kotse sa harap niya.

Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Sabado, ipinakitang mabagal ang takbo ng motorista sa gilid ng kalsada at nakayuko pa habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Sa halip na makipag-areglo sa kanyang biktima, humarurot ang rider papalayo matapos and insidente. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News