ALAMIN: Mayroon nga bang pambihirang 1971 peso coin na aabot sa P1 milyon ang halaga?

Inalam ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang katotohanan sa likod ng mga kuwento tungkol sa pambihira daw na 1971 na P1 coin. Sa naturang barya, makikita ang larawan ni Dr. Jose Rizal at libro niyang Noli Me Tangere, na ang presyo raw ngayon ay aabot ng hanggang P1 milyon dahil na rin daw sa mamahaling metal na nakahalo rito.

Isang lalaki sa Davao City ang natunton ng programa na mayroon hawak ng naturang barya, pero ang tanong, tunay kaya ito at talaga bang napakalaki na ngayon ng halaga?

Panoorin ang ginawang pagsaliksik ng "KMJS" sa naturang barya, pati na ang paliwanag ng mga dalubhasa tungkol dito, kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas:


Click here for more GMA News Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News