Palaging paalala ng matatanda na huwag magpaulan dahil maaari itong maging sanhi ng ubo, sipon, at lagnat. Pero may katotohanan ba ito?

Sa programang "Good News" ngayong linggo, ipinaliwanag ni Dr. Edwin Bien na hindi ang mismong pagkabasa sa ulan ang sanhi ng mga sakit na ito.

"Maaaring ang pagkakaroon ng sipon at ubo ay dahil sa viruses that we get from the outside. Ngunit tatanggapin natin na ang ulan ay maaaring magpababa ng resistensya ng katawan because of the changes in body temperature," aniya.

Panoorin ang video para sa iba pang paglilinaw tungkol sa mga sakit. —JST, GMA News