Photo courtesy by Khaye Aquision

Natagpuang patay na ang 17-anyos na binatilyo sa Baguio City na nawawala mula pa noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Kinilala ng kanyang mga kaanak ang bangkay ni Vaughn Carl Dicang, na natagpuan sa isang ilog sa Barangay Balacbac, na doon din siya huling nakita.

Iniimbestagahan pa ang mga pulis-Baguio City ang sanhi ng pagkamatay ni Vaughn.

Matatandaang iniulat ng "State of the Nation with Jessica Soho" noong Miyerkules ang pagkawala ni Vaughn, isang Grade 12 student ng Baguio Science High School.

Huli siyang nakitang buhay noong September 1 at nakasuot ng gray jacket at dark pants, at may dala-dalang red Hawk backpack.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, kasa-kasama nila si Vaughn hanggang nagpaalam ito na uuwi na sa bahay noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Ngunit hindi na siya nakauwi ng bahay. Pinaghahanap siya sa loob ng limang araw.

Nang tawagan umano ng kanyang pamilya ang kanyang mobile phone, nagri-ring umano ito mga ilang beses at pagkatapos nun, "cannot be reached" na ang telepono.  —Peewee Bacuño/LBG, GMA News