Makaraang pumanaw nang dahil sa sakit, inilibing ang mga labi ng apat na taong gulang na si Jenny Rose sa Isabela. Pero ilang oras pa lang siyang inililibing, muli siyang hinukay at iniuwi ng mga kaanak sa bahay sa pag-asang muli siyang mabubuhay.

Apat na araw nang patay si Jenny Rose nang ilibing sa kanilang bayan sa Ilagan, Isabela matapos pumanaw dahil sa sakit na bacterial meningitis na nakaaapekto sa utak. 

Pero ilang oras pa lang siyang naihihimlay sa kaniyang huling hantungan, kinausap ng isang kaanak ang ama ng bata na hukayin si Jenny Rose dahil sa paniwala umano ng isang albularyo na mabubuhay muli ang bata.

Kaya naman hindi nag-aksaya ng panahon ang mga kaanak na kinuha sa libingan ang bata at inuwi sa bahay. Bukod sa malambot pa umano ang katawan nito, napansin din daw nila na may ihi at dumi ang damit ng bata kaya kanilang palitan.

t gaya ng bilin ng albularyo, binantayan ng mga kaanak sa loob ng 24 oras ang dahil muli raw itong didilat. Gayunman, hindi nangyari ang inakala ng albularyo kaya muling nilang inilibing si Jenny Rose.

Bakit nga ba inakala ng albularyo na mabubuhay ang bata, at ano nga ba ang nangyari kay Jenny Rose? Panoorin ang ginawang pagtutok na ito ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho:"


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News