Inoobserbahan ngayon ang isang pantropical spotted dolphin matapos na gamutin ang tinamo nitong malalim na sugat sa ulo na hinihinalang dahil sa pananaga sa Lian, Batangas.

Nakita ang nanghihinang dolphin nang mapadpad sa baybayin at kaagad na ipinagbigay-alam sa lokal na pamahalaan at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 


Ayon sa BFAR, posibleng tinaga ang dolphin para hulihin pero nakaalpas.

Maaari din umanong tumama sa matalas na bato ang dolphin pero dahil ay may iba pang sugat na makikita rito.

 


Matapos lagyan ng gamot at matahi ang sugat, inilagay muna ang dolphin sa isang resort para masubaybayan ang kalagayan bago pakawalan sa Huwebes. (Mga larawan mula kay Marco Espiritu). — FRJ, GMA News