Level-up sa teknolohiya ang "manggagamot" na si mang Arturo na kaya raw magpagaling ng mga may sakit at pati na ang mga kinukulam gamit ang smart phone. Panoorin sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kakaibang teknik niya sa panggagamot.

Pero maliban sa video call na isa sa mga paraan ng panggagamot ni mang Arturo kahit nasa malayong lugar ang "pasyente," nag-a-upload din siya ng video sa social media sa ginagawa niyang pagpapaalis ng mga sumpa sa kinulam.

Ang isa sa mga nagpatingin kay Arturo, isang babae na may malaking tiyan na pinaniniwalaang niyang kinulam. Pero iba naman ang tingin ng duktor sa maselang kalagayan ng kalusugan ng naturang babae.

Sa harap ng modernong panahon ngayon, kanino nga ba dapat ipagkakatiwala ang kalusugan?  Panoorin ang ginawang pagtutok na ito ng "KMJS:"


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News