Buwis-buhay na tinatawid ng mga estudyante ang isang tulay makapasok lamang sa eskwela sa bayan ng Sagnay sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nasira ang tulay sa bayan ng Sagnay noon pang nakaraang Disyembre. 

Pinalitan umano ito ng kahoy na tulay ngunit nawasak ito noong nakaraang Lunes sanhi ng malakas na ulan.

Sa pagtataya umano ng lokal na pamahalaan, kakailanganin ang P2.5 milyon para sa pagpapagawa ng tulay. —LBG/KG, GMA News