Mahabang buhay ang madalas na ipanalangin ng marami sa atin. Pero ang 104-anyos na si lola Emilia Cabotage, walang ibang hinihintay kung hindi dumating na ang sandali na bawian na siya ng buhay.

At sa panahon na kailangan na ni lola Emilia ang kalinga, mapalad siya sa kaniyang 72-anyos na anak na si Emerencia na walang pagod na nag-aaruga sa ina.

Pero dahil hindi nakapag-asawa, sino naman ang kaya mag-aalaga kay Emerencia kapag dumating ang sandali na umabot din siya sa sitwasyon ng kaniyang ina? Panoorin ang "i-Witness" report ni Kara David.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News