Dahil sa edad at sakit, naging makakalimutin na si mang Fernando Escolano. Pati ang itinabi niya noong pera na P91,500 na kaniyang retirement pay, nakalimutan niya kung saan niya nailagay hanggang sa abutin ng "expiration" o demonetization.

Ngayon na kailangan niya ang pera para sa kaniyang gamot at pati ng kaniyang asawa, malaking pasalamat niya nang aksidenteng  makita ang itinago niyang pera nang mabaha ang kanilang bahay.

Pero ang kasiyahan, kaagad na napalitan ng kalungkutan nang malaman nila na expired na ang kaniyang pera kaya ayaw nang tanggapin sa tindahan.

May pag-asa pa kayang mapalitan ang pera ni mang Fernando kung dadalhin nila sa mismong Bangko Sentral ng Pilipinas dahil na rin sa kaniyang kalagayan at hindi naman sadya na hindi niya mapapalitan ang pera sa itinakdang panahon noong BSP?

Panoorin ang ginawang pagtutok ng "KMJS:"

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News