Isang manganganak na buntis na dalawang beses daw tinanggihan sa ospital ang napaanak sa sinasakyan niyang pampasaherong van sa Camarines Sur.  Masuwerte naman ang ginang dahil may pasaherong nursing student na tumulong sa kaniya upang ligtas niyang mailuwal ang sanggol.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, sinabi ng buntis na si Remelyn Frondoso na beses siyang tinanggihan ng ospital na i-admit dahil sa mataas daw niyang blood pressure.

Napilitan din daw siyang sumakay sa pampasaherong van papuntang Legazpi City dahil sira umano ang ambulansya ng ospital at munisipyo.

Sa van, dumain na ng pananakit ng tiyan si Frondoso at mapalad naman na pasahero din sa sasakyan ang fourth year nursing student JM Gabarle na kaagad na umalalay sa buntis.

Palabas na umano ang ulo ng sanggol at nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ng bata na maingat na naialis ni Gabarle.

Labis ang pasasalamat ni Frondoso sa ginawang pagtulong sa kaniya ni Gabarle.-- FRJ, GMA News