Hindi inakala ng construction worker na si Jack Morales na biglang magbabago ang kaniyang buhay nang maka-jackpot sa tinayaang numero at manalo ng P1.2 milyon. Pero ang bigla niyang pagyaman, naging panandalian lang. Panoorin at matuto sa kaniyang kuwento na tinutukan ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Bilang construction worker, P250 kada araw ang kinikita ni Jack, tubong Samar, na ginagamit niya para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mag-ina.

Kaya naman laking tuwa niya nang tumama ang mga tinayaan niyang numero at manalo ng P1.2 milyon dahil mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kaniyang mga mahal sa buhay.

At para magamit nang maayos ang kaniyang napanalunan, hinati-hati niya ang pera. Naglaan siya ng P200,000 para sa edukasyon ng anak; P800,000 ang ipinuhunan sa construction business; P200,000 bilang savings; at P10,000 para sa ipagawa ang bahay.

Pero pagkaraan lang ng ilang buwan, unti-unting nawala ang pera ni Jack, hanggang sa tuluyan siyang nagbalik sa hirap at nagkaroon pa ng utang na mahigit kalahating milyon piso.

Paano nga ba nangyari na biglang naglaho ang mga biyayang nakamtan ni Jack? Panoorin at matuto sa kaniyang kuwento na tinutukan ng "KMJS."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News