Sa harap nang nalalapit ng pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi City, nagbigay ng donasyon ang China ng 47 sets ng heavy equipment, na kinabibilangan mga bulldozers at excavators para magamit sa rehabilitasyon ng lungsod na nawasak sa labanan ng tropa ng pamahalaan at Maute-ISIS group.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, dumating na ang mga naturang kagamitan at inaasahan na may darating pang pitong sets na mula sa China, na bahagi ng kanilang Emergency Humanitarian Assistance Program.

Sinabi ng DPWH na ang mga kagamitan ay kinabibilangan ng walong sets na binubuo ng excavators, wheel loaders, dump trucks at cement mixers, at limang sets na binubuo ng compactors, track-type tractors, bulldozers at container van, according to DPWH.

Inihayag din ng ahensiya na naisagawa na ang site development works para sa anim na lugar para sa itatayong mga transitory house sa Marawi City na maaaring maging tirahan ng 1,100 pamilya.

Sinabi ni Villar na kayang matapos ang pagsesemento ng mga kalsada sa gagawing lugar sa darating na Nobyembre.

"Our priority is to make sure that roads and bridges are in place such that there is smooth access of (sic) Marawi and its nearby towns," anang kalihim.

Ang DPWH ang sub-committee lead agency para sa rehabilitasyon ng lungsod sa ilalim ng Task Force Bangon Marawi, na itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pangunahing tungkulin ng DPWH ang "immediate repair, rehabilitation, and reconstruction of national roads, bridges, public schools and other government buildings" sa Marawi City.

Kasama rin sa inter-agency task force ang Chief-of-Staff of the Armed Forces of the Philippines, ang Secretary of Education, ang Secretary of Budget and Management, ang Secretary of Energy, ang Secretary of Health, ang Secretary of Information and Technology, ang Secretary of the Interior and Local Government, at ang Secretary of Science and Technology.

Ang Task Force Bangon Marawi ay pinamumunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, at vice chairman si Villar.

Nitong Lunes, nagpadala ng limang grupo ang task force para suriin ang pinsalang tinamo ng lungsod sa apat na buwang bakbakan. —FRJ, GMA News