Isang sanggol na lalaki na may apat na kamay, apat na paa, at dalawang ari ang isinilang sa Malig, Isabela.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nagulat ang nanay ng bata dahil may nakapatong sa dibdib ni Junior Javier na katawan ng isa pang sanggol na hindi nabuo.

Ayon pa sa ina, normal naman umano ang kanilang nakita sa sanggol nang magpasuri siya sa pamamagitan ng ultrasound, at wala rin siyang naramdamang kakaiba sa kanyang pagbubuntis. 

Muli nilang ipapasuri ang sanggol at humihingi sila ng tulong sakali mang mangailangan ng operasyon ang bata. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News