Nakunan ng Youscooper ang madugong pagkakamali ng mga pulis-Mandaluyong nang paulanan nila ng bala ang isang sasakyan na magdadala sana sa ospital sa isang babae na unang nabaril sa hiwalay na insidente ng pamamaril.

Dalawa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa madugong pagkakamali. Kabilang sa mga biktima ang mga nagmagandang-loob na tumulong sa nabaril na babae, na kabilang sa dalawang nasawi.

Ang isa pang nasawi, isang construction worker na nagmalasakit din lang na tumulong sa babae.

-- FRJ, GMA News