Abot-abot ang pasasalamat ng isang pulis-Abra sa isang matapat na pedicab driver matapos isauli nito ang kanyang nawawalang wallet na may lamang P10, 400.00.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang honest trike drayber na si Remy Pinto, 29, taga-bayan ng Dolores.

Nang mapulot ang pitaka, agad umanong nagpunta si Pinto sa tanggapan ng pulisya upang i-turn over ang pitaka na pagmamay-ari pala ni Police Office 1 Mark Mazon.

Bukod sa lamang na P10,400.00, may mga mahahalagang dokumento rin sa loob ng pitaka.

Pinasalamatan ni Mazon si Pinto dahil sa kanyang katapatan. —LBG, GMA News