Isang fetus na nakalagay sa kariton ang natagpuan sa isang basurahan ng fastfood restaurant sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing natagpuan ng mga tagapulot ng basura ang fetus, na tinatayang nasa 38 hanggang 39 linggo, ayon sa sumuring health officer.

Nakitaan din ng sugat sa leeg at dibdib ang naturang fetus.

Pinabasbasan na ang fetus saka ibinurol.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya kung sino ang nagtapon sa fetus. —NB, GMA News