Natagpuang wala nang buhay, duguan at walang saplot pang-ibaba ang isang ginang sa taniman ng mais sa Barangay Conel, General Santos City.

Sa ulat sa Balitanghali nitong Sabado, kinilala ang suspek na si Joey Bulani na kinakasama ng biktima.

Ayon sa ulat, natutulog daw ang ginang nang sugurin ng suspek at kinaladkad palabas ng bahay.

Base sa imbestigasyon, may nakitang isang duguang kahoy sa tabi ng bangkay ng biktima, na malamang ginamit umano ng suspek sa pagpaslang.

Hinihinalang ginahasa muna ang ginang bago paslangin.

Tinitignan na ng pulisya ang anggulo ng selos sa motibo sa krimen.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang suspek. —Jamil Santos/ALG, GMA News