Suspek din pala sa pagpatay sa lider ng isang fans club ni Maine Mendoza ang umano'y tulak ng party drug na unang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang raid na ginawa Mandaluyong noong nakaraang linggo.

READ: Maine Mendoza joins calls for justice in case of fan found dead

Sa ulat ni Super Radyo dzBB reporter Glen Juego, iprinisinta ng PDEA nitong Martes si Shannon James Bon Buckly, na mayroong warrant of arrest sa pananaksak at pagtay kay Rachelle "Raz" Alfaro sa Cavite noong Marso 2017.

Unang naaresto si Buckly ng mga tauhan ng PDEA sa isang operasyon na ginawa sa isang condo unit sa Mandaluyong noong Huwebes ng gabi.

Pero Harold Peñaflor ang ginamit niyang pangalan, at kasamang nadakip si Lester Almalbez.

Sa naturang  raid, nakuha umano sa mga suspek ang nasa P666,000 na halaga ng mga hinihinalang droga. Kabilang dito ang anim na packs ng cocaine, 70 tableta ng ecstasy, at halos dalawang litro ng liquid ecstasy na nakalagay sa mga bote ng energy drink.

Sa panayam ng mga media nitong Martes, itinanggi ni Buckly na may kinalaman siya sa pagpatay kay Alfaro at sa halip ay itinuro ang kaniyang dating nobya na siyang pumatay daw sa biktima.

 

 


Nagpasalamat naman ang magulang ni Alfaro sa PDEA sa pagkakaaresto kay Buckly.

Ipinost naman Maine sa kaniyang Twitter account ang balita sa pagkakahuli kay Buckly at nilagyan niya ng emoticon na nagdarasal.

 

 

Nakatakdang i-turnover ng PDEA sa Tanza, Ccavite police ang suspek-- FRJ. GMA News