Nasakote ang isang German sa Leyte sa isang raid na isinagawa ng mga awtoridad sa pinaghinalaang cybersex den.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes ng umaga, isinagawa ang raid sa Baybay City at naaktuhan ang operator ng umano'y cybersex den na kinilalang sin Leef Roth, isang German.

Susuriin pa ng mga pulis ang laman ng CPU ng mga computer na nasamsam sa loob ng bahay na ni-raid upang mangalap ng karagdagan ebidensya.

Hawak na rin ng mga pulis ang umano'y live-in partner ng Aleman na inaalam pa ng mga pulis kung ito'y menor de edad.

Nahaharap si Roth sa posibleng reklamong paglabag sa batas ukol sa Online Sexual Exploitation of Children and Child Pornography. —LBG, GMA News