Nag-viral ang video ng nahuling hammerhead shark na pinaglalaruan sa kalsada hanggang sa mamatay ito. 

Sa ulat ng "Unang Balita," sugatan nang mahuli ng mga residente sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte ang pating.

Kitang-kita sa video na pinaglalaruan ng mga residente ang pating, at kalauna'y namatay ito sa kalsada.

Ipinagbabawal ang paghuli sa naturang uri ng pating dahil endangered species na ito. 

Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and insidente. —LBG, GMA News