Nauwi sa trahediya ang pagpapakain ng ina ng hotdog sa kaniyang sanggol na anak na babae nang mabulunan ito at maging sanhi ng pagkamatay ng bata sa Balagtas, Bulacan.

Ayon sa inang si Grace PariƱas, sinusubuan niya ng hinimay na hotdog ang kaniyang anak na isang taong gulang na tinitikman lang daw ang pagkain at iniluluwa rin, ayon sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes.

Saglit daw niyang iniwan ang anak na para may kunin sa itaas ng kanilang bahay pero pagbalik niya ay nakita niyang nangingitim na ang mukha ng anak at hirap nang huminga.

Isinugod nila sa ospital ang bata pero idineklara nang dead on arrival.

Nagpaalala rin ang barangay na laging bantayan ang maliliit na anak habang kumakain para hindi na maulit ang insidente. -- FRJ, GMA News