Patay at tadtad ng saksak ang isang security guard nang matagpuan sa loob ng banyo ng binabantayan niyang bodega ng sigarilyo sa Bauang, La Union.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Ricardo Sarmiento.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sa ibang bahagi ng bodega pinatay ang biktima at itinago lang sa banyo ang kaniyang bangkay.

Natangay ng mga salarin ang P3 milyon pera na nasa vault ng bodega, ang logbook ni Sarmiento at dvr ng CCTV.

Hinihinala ng mga awtoridad, tila alam ng mga salarin ang pasikot-sikot sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin. --FRJ, GMA News