Nagkapasa at natanggalan ng ngipin ang isang menor de edad matapos siyang gulpihin ng grupo ng mga lalaki sa Cavite. Ano nga ba ang maaaring gawin sakaling malagay sa ganitong sitwasyon na puwede kang kuyugin?

Sa isang episode ng "Alisto," nagbigay si Rosenberg Rosete, head trainer ng F.I.S.T Gym, ng ilang self-defense techniques sakaling maharap sa hindi inaasahang sitwasyon ng karahasan.

1. Hangga't maaari, piliting makatakas mula sa isang grupong umaatake.

"Kailangan makita mo 'yung escape route o exit route mo. Ang balak mo talaga is just not to engage fully but to subdue one target and then go to your escape route," paliwanag ni Rosete.

2. Kapag natumba, mas makabubuting naka-"open guard position" o nakatihaya dahil magkakaroon ka ng pagkakataong masipa ang mga umaatake.

3. Kapag nagawang makatayo mula sa pagkakahiga, harapin at labanan ang naunang umatake. Kasabay nito ay tanawin ang iba pa niyang kasama, at maghanap ng "escape route."

4. Protektahan ang mga bahagi ng katawan tulad ng hita, tainga, lalamunan mata at ang groin area.

Panoorin ang buong pagtalakay ng "Alisto" sa isyu ng pagdepensa sa sarili:

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News