Dulot ng matinding pangungulila sa Saudi Arabia, nahulog sa patibong ng isang poser sa social media ang OFW na si Hector. Kuwento niya, umabot sa halos P1.5 milyon ang naibigay niyang pera sa babaeng natutunan na niyang ibigin kahit hindi pa niya nakikita.

Alamin sa programang "Investigative Documentaries" ang taktikang ginamit ng poser kay Hector, at kung papaano nabisto ng OFW na manloloko ang babaeng inakala niyang tunay na nagmamalasakit sa kaniya. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News