Apat na magkakapatid ang nasawi, kasama ang nobya ng isa sa mga biktima matapos na masunog ang kanilang bahay sa Barangay Puntod, Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA News "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang mga biktima na sina Mark Kenneth Cerillo, 21-anyos, at kaniyang mga kapatid na sina Mary Grace, Michelle at si Louie na isang special child.

Patay din ang nobya ni Mark na si Connie Nandon.

Sinabi ng mga rumespondeng bumbero na na-trap ang mga biktima sa bahay.

Bukod sa mga nasawi, tatlo pa ang sugatan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News