Sa taas na 7'4," si William Biscocho ang itinuturing na pinakamatangkad na tao sa Pilipinas. Pero may kondisyon sa kaniyang kalusugan na nagiging balakid sa kaniya para makapamuhay nang normal.

Sa panayam ni Rhea Santos ng "Tunay Na Buhay," nalaman na may kondisyon na tinatawag na "gigantism" si William. Ito ay ang labis na growth hormone sa katawan na dahilan ng kaniyang labis na paglaki.

Bukod dito, may problema rin siya sa buto na dahilan ng pagbaluktot ng kaniyang katawan.

Pag-amin ni William, ikatlo sa siyam na magkakapatid, nakararanas siya ng panlalait at minsan ay nabu-bully dahilan sa kaniyang kalagayan.

Tunghayan at kilalanin pa lalo si William sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."


Alamin din ang kaniyang pang-araw-araw na buhay at ang pagsisikap niyang mamuhay nang normal sa kabila ng mga pasubok na kinakaharap.


Click here for more GMA Public Affairs videos.
 

-- FRJ, GMA News