Dalawa ang patay sa magkasunod na insidente ng pagkalunod sa bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon noong Huwebes Santo.

Hindi pa pinangalanan ng Real police ang dalawang biktima.

Photos by Real MDRRMO


Naisugod pa umano sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon ang dalawang biktima, subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Parehong tinangay ng malakas na current ng dagat ang mga biktima, sanhi ng kanilang pagkalunod, ayon sa mga awtoridad. —Peewee Bacuño/LBG, GMA news