Minsan nang nabigo sa pag-ibig si Dallaine kaya hindi na siya umasang may lalaki pang tunay na magmamahal sa kaniya dahil na rin sa kaniyang kalagayan na dwarfism. Hanggang isang araw, nagtapat sa kaniya ng pag-ibig ang kaibigang si Poypoy na mas bata sa kaniya ang edad at kilalang tambay sa kanilang lugar.

Gayunman, kinailangan nina Dallaine at Poypoy na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan sa kani-kanilang magulang, at pati na rin sa mga mapaghusgang mga mata ng ilan.

Bukod doon, kailangan ding patunayan ni Poypoy na tapat ang kaniyang pag-ibig kay Dallaine at patunayan mali ang hinala ng iba na maginhawang buhay lang ang kaniyang habol sa dalaga dahil may kaya ang pamilya nito habang sila naman ay kapus sa buhay..

Tunghayan ang kakaiba at kahanga-hangang kuwento ng pag-iibigan nina Dallaine at Poypoy sa report na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News