Sa halip na isda, high grade cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P160 milyon ang nakita ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing aabot sa 27 kilo ang cocaine na nakasilid sa isang plastic container.

Nang kunin ng mangingisda ang container, laking gulat nito nang makita na pulbos na kulay puti ang laman sa loob.

Ipinagbigay-alam ito sa mga awtoridad at nang masuri sa crime labolatory, lumalabas na high grade cocaine ang mga pulbos na nagkakahalaga ng P160 milyon.

READ: PNP Region 5 seizes P125-M cocaine in Sorsogon

Noong nakaraang Enero, may nakita ring plastic container na naglalaman ng cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P125 milyon ang nadiskubre naman sa baybayin ng Matnog sa Sorsogon. — BAP/FRJ, GMA News