Apat na suspek sa pagnanakaw umano ng mga motorsiklo sa Tondo, Manila ang naaresto ng pulis.

Sa ulat sa GMA News TV Live nitong Sabado, kinilala ang mga suspek na sina Ronald Encarnado, Vanessa de Mesa, Jason Laquindanum at Alexander Banzuelo.

Ayon sa ulat, pitong beses na umanong nagnakaw ng motorsiklo ang mga suspek sa iba't ibang lugar sa Tondo. Ang huling insidente ng pagnanakaw ay nangyari noong April 14 sa Antipolo Street, dagdag pa ng ulat.

Ayon sa mga suspek, nagawa lang daw nila ang pagnanakaw dahil sa pangangailangan ng pera.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act at karagdagan pang reklamo dahil sa nakuhang baril at kutsilyo sa kanila. — RSJ, GMA News