Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes na tiniyak sa kaniya ni President Xi Jinping ng China na poprotektahan siya kapag may nagtangkang alisin siya sa kapangyarihan.

"The assurances of Xi Jinping were very encouraging... 'We will not allow you to be taken out from your office, and we will not allow the Philippines to go to the dogs,'" pahayag ni Duterte sa kaniyang talumpati sa send off ceremony off sa Aurora para sa Filipino scientists na magsasagawa ng pag-aaral sa Philippine Rise.

"Siguro kasi freely elected leader naman ako, it could be a very justified statement," dagdag niya.

Nagkita sina Duterte at Xi noong nakaraang buwan sa Boao Forum for Asia na ginanap sa Hainan, China. Muling tiniyak ng dalawang bansa ang mainit na ugnayan sa kabila ng usapin sa West Philippine Sea.

"Naisip-isip ko wala man tayo magawa dito sa China might as well make friends with them," sabi ng pangulo.

Matatandaan na nanalo ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa inihaing kaso ng administrasyong Aquino laban sa China tungkol sa pag-angkin ng huli sa ilang lugar sa West Philippine Sea na malapit sa Pilipinas.

Gayunman, isinantabi ni Duterte ang naturang desisyon.-- FRJ, GMA News