Isang bagong-silang na sanggol ang natagpuang inabandona sa isang damuhan sa Dauis, Bohol.

Sa ulat nitong Sabado sa GMA 7 news program "24 Oras Weekend", ikinuwento ng isang residente na may nakita siyang lalaki na nakatayo malapit sa sanggol.

Sinabihan niya raw itong samahan siya sa pag-report sa barangay, ngunit bigla nalang daw itong nawala.

Nasa pag-aalaga ng barangay health center na ang sanggol.

Nakatakda siyang ibigay sa Department of Social Welfare and Development. — Margaret Claire Layug/DVM, GMA News