Hindi nagpadala sa laki ng halaga ng salaping napulot ang isang pulis sa Llanera, Nueva Ecija.

Sa isang ulat sa 24 Oras nitong Linggo, isinauli ni Senior Police Officer 1 Gerald Paul Cayog ang napulot na bag sa loob ng isang ATM booth na naglalaman ng P550,000.

Natunton daw ni Cayog ang may-ari ng pera dahil sa ID na nasa loob ng bag.

Labis naman ang pasasalamat ng may-ari kay Cayog.

Nakatakdang pangaralan si Cayog dahil sa katapatang kanyang ipinamalas. — Anna Felicia Bajo/BM, GMA News