Filtered By: Topstories
News

Paraan ng pagpuno sa bakanteng posisyon sa Comelec binatikos


Pinasaringan ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan nitong Miyerkules ang kawalan ng transparency ng Malacañang sa paraan ng pagpili sa mga bakanteng pwesto sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Pangilinan na sa kabila ng inihayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita na mayroong search committee sa pagpili ng appointees sa Comelec, hindi naman isinasapubliko kung sinu-sino ang bumubuo nito. "In a press conference in Malacañang, Secretary Eduardo Ermita said that anyone can submit names to the search committee on the COMELEC appointees. What search committee? It seems only Malacañang is aware of the existence of this committee and if so, then only they will end up submitting names for screening," isinaad ni Pangilinan sa isang pahayag. "I reiterate my position that the process must be opened up. We don't even know where the search committee holds office, who are its members? Sino ba ang mga ito? Is this a secret committee similar to the secret committee conducted by them in the ZTE NBN deal? Hindi kaya sina FG (First Gentleman), Mikey at Iggy Arroyo ang mga miyembro nito?" tanong ni Pangilinan. Kinakailangan ng Comelec na makahanap ng kapalit sa nagbitiw na Comelec chairman na si Benjamin Abalos at isa pang pwesto para sa commissioner. Sa Pebrero 2008, nangangailangan naman ng hahalili kina acting Comelec Chairman Ressureccion Borra at Commissioner Florentino Tuason sa pagreretiro ng mga ito. Nitong Lunes ay sinabi ni Borra na nagpadala ang Office of the President ng listahan ng mga nominado sa Comelec at sinabihan ang ahensya na magkomento tungkol dito. Kabilang diumano sa mga nakalista ay sina Rene Saguisag, Rufus Rodriguez, Wigberto Tañada, Amado Valdez, Alioden Dalaig, Severo Maluenda, at Howard Calleja. Hinikayat din ni Pangilinan sa pahayag ang Malacañang na payagan ang publiko na aktibong sumali sa proseso ng pagpili sapagkat tanging sa paraang ito lamang matitiyak ang tunay na reporma sa proseso ng halalan sa bansa. Makatutulong din umano ito sa pagdududa sa kredibilidad ng proseso ng pamimili. Bukod dito, hinikayat ni Pangilinan ang Malacañang na magsagawa ng konsultasyon sa publiko sa buong bansa ang search committee at hayaang sumagot sa mga tanong ang mga nominado. "The trouble with the lack of transparency in the process is that people will doubt the outcome of the process and assume palakasan or 'connection' was the sole basis of the appointment. This undermines the capacity of the new appointees to secure critical public support," giit ni Pangilinan. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV

LOADING CONTENT