Takbong hubo’t-hubad
Inaabangan tuwing Disyembre ang taunang âOblation Run" o pagtakbo ng nakahuboât-hubad ng mga myembro ng fraternity group na Alpha Phi Omega sa University of the Philippines. Alam nyo ba kung kailan ito nagsimula at kung ano ang una nilang pakay? Nakatakip ang mukha ng mga myembro ng APO na tumatakbong huboât-hubad habang bitbit ang karatula ng kanilang ipinoprotesta. May dala rin silang rosas na ibinibigay sa mga nanonood sa kanilang pagtakbo. Taliwas sa maling akala, hindi isang paraan ng âinitiation" sa bagong recruit na kasapi ng APO ang pagsama sa Oblation run. Tanging mga ganap na myembro lamang ng fraternity pinapayagan na makibahagi sa kakaibang paraan ng kanilang pagpapakita ng âprotesta." Unang ginawa ng APO ang pagtakbo ng huboât-hubad noong 1977 para sa promosyon ng isang dula o play na pinamagatang âHubad na Bayani" na parangal sa isa nilang kasama na namatay sa isang rumble. Maliban sa isang paraan ng pagprotesta, ang pagtakbo ng hubotâ-hubad ay paalala rin umano ng APO sa mga mag-aaral ng UP tungkol sa prinsipyo ng Oblation na ialay ang buong sarili para sa bayan. - GMANews.TV