Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang buhay ni Alicia Mayer sa 'Follow That Star'


AIRING DATE: January 18, 2014
AIRING TIME: 8:00 PM



Naging kontrobersyal ang pangalang Alicia Mayer noong 2007 nang mag-pose siya sa local at international photographers na suot lamang ay bikini na gawa sa dahon ng lettuce. Siya ang naging mukha noon ng vegetarianism campaign ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA.  Pero bago nito, marami na ang nakapansin sa magandang katawan, morenang kutis at galing sa pagpapatawa ni Alicia. Sumabak siya sa hosting sa Eat Bulaga at bumida sa comedy sitcom ng GMA na Lagot Ka, Isusumbong Kita. Nakilala rin siya bilang sexy kontrabida sa mga Kapuso teleserye tulad ng The Good Daughter at Anna Karenina.

Kung noon ay puro trabaho lang si Alicia, ibang-iba na raw ang buhay niya ngayon: “I am a single mom and  I am very much in love with life, very much in love with Caleb, very much in love with everything that life has to offer me.”  Ito raw ang sikreto ng kaligayahan ni Alicia ngayon, ang pagiging isang devoted at hands-on mom sa kanyang 5-year old son na si Caliph Elijah.


 
Huwag palalampasin ang bonding ng mag-ina, magluluto rin si Alicia ng paborito niyang vegetarian dish, ipasisilip din niya ang kanyang bahay pati ang kanyang sariling negosyo na isang salon.
 
Abangan ang buhay ni Alicia Mayer bilang celebrity, mommy at negosyonte ngayong Sabado sa Follow that Star, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug