Filtered By: Newstv
NewsTV

Online food stores na patok ngayong Pasko, kikilatisin ng 'Pop Talk'


 

POP TALK
“CHRISTMAS FOOD GIFTS”

Tuwing Pasko, lagi tayong naghahanap ng mga bago at pop na pop na Christmas food na perfect ipang-regalo o kaya nama’y dalhin sa potluck parties ng pamilya, opisina o eskuwela. Naghanap ang Pop Talk sa Instagram ng tatlong CHRISTMAS FOOD na ating sasampolan. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop? Taralet’s eat!

Isasalang sa rebyu ang: ang THE BUTCHERY SAUSAGE, ang NATALIA’S KITCHEN, at ang MY COOKIE LAB. Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang guest reviewers: ang food, travel at lifestyle blogger na si Pepe Samson, ang TV host at home baker na si Love Anover, at ang celebrity reviewer na Kapuso actress na si Ryza Cenon.

“Pop Talk: Christmas Food Gifts” ngayong Sabado, sa December 12, 8:00 pm, sa GMA News TV.

Tags: poptalk, pr