Filtered By: Newstv
NewsTV

Si Mang Rudy at ang kanyang mga 'bespren' sa Reel Time


REEL TIME
"BESPREN"
Airing date: Jan. 8, 2011
Ilang libong taon na umano ang pambihirang koneksyon ng tao at aso. Isang espesyal na relasyong mas matatag pa minsan sa relasyon ng tao sa kapwa niya tao.   Si Mang Rudy Reyes, walang asawa o anak pero may malaking pamilya ng mga aso! Sa kabila ng kaniyang kahirapan sa buhay, nagawa pa niyang umampon ng 14 na aso. Mula sa kakarampot na kinikita sa pagpa-park ng mga sasakyan, pinagkakasiya niya ito upang buhayin ang sarili at ang kaniyang mga alaga.   Kung tutuusin, suwerte pa rin ang mga alaga ni Mang Rudy sa pagkakaroon ng isang tatay at kaibigan sa kaniyang katauhan kumpara sa mga asong nasa isang dog pound sa Marikina.   Pagkalipas ng anim na araw at hindi sila tinubos ng kanilang mga amo, tiyak na kamatayan ang kanilang kahahantungan.   Ito na nga lang ba ang sukling maibibigay sa katapatan at paglilingkod na hatid ng mga  matapat na aso sa kanilang amo?   Panoorin ang BESPREN sa Reel Time, ngayong Linggo ng gabi, 8:45PM pagkatapos ng Good News sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug