Filtered By: Newstv
NewsTV

'Reel Time' presents 'AlDub Forever'  


 

Mahigpit ang bilin noon ng mga staff ng Eat Bulaga kay Maine Mendoza, “huwag kang ngingiti” sa harap ng kamera kung saan kinukunan ang kanilang eksena ni Lola Nidora sa segment na “Juan for All, All for Juan” ng programa. Pero nang makita ni Yaya Dub si Alden sa split-screen, lumabas ang natural na chemistry ng dalawa. Iyon na pala ang magiging hudyat ng phenomenal na tagumpay ng tambalang AlDub.

Masasabing bunga ng social media generation ang AlDub phenomenon. Pagkatapos basagin ang world-record sa trending topics, kabilang na ngayon sina Alden Richards at Maine Mendoza sa mga pinakamatagumpay na host, aktor, endorser, modelo, at artista sa pelikula. Hindi mahulugan ng karayom ang bawat lugar na dinarayo ng dalawa. Nakabibingi ang hiyawan ng kanilang mga tagahanga. At halos buong mundo, nakasubaybay sa mga susunod na mangyayari sa #KalyeSerye.

Sa pambihirang pagkakataon, may hatid na #KiligPaMore ang Reel Time para sa dokumentaryong hinog na sa tamang panahon – exclusive interviews, never-before-seen footage, at malalim na pagtalakay tungkol sa AlDub phenomenon.

“AlDub Forever,” ngayong Linggo ng gabi sa Reel Time, 9 PM pagkatapos ng Kings of Restoration sa GMA NewsTV Channel 11.

Tags: prstory, plug