Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Pambansang Dimples, Alden Richards


PAMBANSANG DIMPLES, ALDEN RICHARDS
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: March 13, 2013

 


Sa kauna-unahang pagkakataon, makakakuwentuhan ni igan Arnold Clavio ang isa sa hottest Kapuso stars na binansagang “Pambansang Dimples," si Alden Richards!
 
Richard Faulkerson, Jr. ang kanyang tunay na pangalan ni Alden at sa murang edad, marami na palang pinagdaanang pagsubok si Alden.
 
Una na riyan ang pagpanaw ng kanyang inang gumabay at humimok sa kanyang pasukin ang pag-aartista. Kasama naman sa hinarap niyang kabiguan ang hindi pagpasa sa reality-artista search na “Starstruck” noon.
 
Pero ang mga karanasang ito sa buhay, hindi naging sanhi para panghihina ng loob si Alden. Naging inspirasyon pa nga ang mga ito para abutin niya ang kanyang mga pangarap.  
 
Kilatisin natin si Alden Richards pati na rin ama niyang laging nasa kanyang tabi saan man siya magpunta.
 
Masaya at makabuluhang kwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio. Abangan ngayong Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!