Filtered By: Newstv
NewsTV

Si Dennis 'The Lover' sa 'Tonight with Arnold Clavio'


TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing Date: August 20, 2013

Sa kauna-unahang pagkakataon sa "Tonight with Arnold Clavio," makaka-kuwentuhan ni Igan ang isa sa pinakasikat at abalang-abalang artista ngayonwalang iba kundi si Dennis Trillo na gabi-gabing inaabangan at hinahangaan sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Vincent sa patok na patok, kontrobersyal at laging pinag-uusapang “My Husband’s Lover.”

photo (5).JPG
 
Bukod sa mga tanong tungkol sa nabanggit na teleserye, sasagutin din ni Dennis ang mga tanong ni Igan tungkol sa personal niyang buhayano ba ang relationship status ni Dennis ngayon? May balak din ba siyang maikasal? Ano ang mga katangiang hinahanap niya sa babaeng mapapangasawa?

photo (4).JPGBukod pa dyan, may ibabahagi ring mga rebelasyon tungkol kay Dennis ang ibang cast member ng “My Husband’s Lover.”
 
At para naman maka-relax mula sa seryosong usapan, magpapakitang-gilas si Dennis sa pagtugtog ng drums na isa sa kanyang mga hilig!

At siyempre, kakanta rin siya ka-jamming ang TWAC band!
 
Masayang kwentuhan ang hatid ng "Tonight with Arnold Clavio" kasama ang Kapuso nating lalung minamahal at hinahangaan ng maraming manonood ng telebisyon.
 
Abangan si Dennis Trillo sa TWAC ngayong August 20, Martes, 10:30 PM sa GMA News TV!
 

 
Makilahok sa masayang kuwentuhan! I-follow ang TWAC sa Twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming Facebook page: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio