Filtered By: Newstv
NewsTV

Pia Arcangel and Mico Halili Love Story sa 'Wagas'


May kasabihang "behind every successful man is a woman,” subalit para sa prominenteng broadcast journalist na si Pia Arcangel, ang asawa niyang si Mico Halili ang unang tumulong, gumabay at patuloy na sumusuporta sa kanya para magtuloy-tuloy ang kanyang matagumpay na karera.
 
Nagsimula ang relasyon nina Pia Arcangel at Mico Halili bilang magkatrabaho sa isang sports program na nagsasahimpapawid ng mga laro ng UAAP o University Athletic Association of the Philippines.

Isang bagitong courtside reporter pa lang noon ang Ateneo graduate na si Pia samantalang beteranong sportscaster naman si Mico.  
 
Sa umpisa pa lang daw ay nakita na ni Mico ang malaking potensyal ni Pia na maging magaling na broadcast journalist, kaya’t sinuportahan niya ito. Bukod sa pagiging mentor, binigyan niya si Pia ng unang trabaho nito bilang host, para sa isang cable channel morning show. At dahil si Mico ang Executive Producer o “bossing” ng programang ‘yun, kalauan ay nagdesisyon siyang mag-resign nang simulan na ang pormal na panliligaw kay Pia. Ayaw kasi ni Mico na mabaharin ang pag-angat ng career ni Pia sa kanilang organisasyon.  

Samakatuwid, hindi lang potensyal sa trabaho ang agad nakita ni Mico kay Pia, kundi ang potensyal din nitong maging kabiyak niya.


 
Tampok sina Glaiza De Castro at Archie Alemania, abangan sa "Wagas" ang nakakikilig na love story nina Mico at Pia na punong-puno ng mga pangyayaring nararanasan din ng mga ordinaryong taong nagmamahalan. Alamin kung paano diniskartehan at nakamit ni Mico ang puso ni Pia. Alamin kung paano niya ito inalok ng kasal!

Lahat ng ito, abangan sa Wagas ngayong Sabado, January 18, 7pm sa GMA News TV.