Filtered By: Newstv
NewsTV

Dog pounds tampok sa 'Brigada'


BRIGADA
Martes, November 25, 2014
8 PM sa GMA News TV
 
SHELTERS

Umani ng sari-saring reaksyon ang kumalat sa internet na larawan ng isang batang buto't balat na ang pangangatawan. Kuha raw ito sa Reception and Action Center sa Maynila, isang shelter na kumakalinga sa mga batang naging tahanan na ang kalsada. Binisita ni Marisol Abdurahaman ang iba't ibang shelters para masuri ang kanilang kalagayan.
 
DOG POUNDS

Isang petisyon ang umiikot ngayon kung saan ipinananawagan sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang masusing pagtutok sa kalagayan ng mga animal pound sa kani-kanilang mga nasasakupan. Diumano, may ilan pa rin daw mga dog pound kung saan talamak ang pagmamaltrato sa mga nakakulong ditong aso. Inalam ni JP Soriano ang katotohanan sa likod ng mga ulat na ito.
 
AMANG NANGUNGULILA

Noong nakaraang linggo, itinampok namin ang kuwento ni Angelo, isang Yolanda survivor na nawalay sa natitira pa niyang mga anak na nakaligtas sa delubyo. Pero matapos ang masusing paghahanap, natagpuan ng Brigada ang mga anak niya sa Navotas at Maynila. Ganunpaman, ang kanilang reunion, imbes na maging maligayang tagpo, naging puno pa ng hinanakit. Sinundan ni Love Añover ang muling pagkikita ng mag-aama.