Filtered By: Showbiz
Showbiz

Liv Espino is convinced husband Tyron Perez committed suicide


Ipinakuwento rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liv Espino kung paano sila nagkakilala ni Tyron Perez. "Si Shalani po, yung cousin niya, si Martel, yung girlfriend niya is flying [a flight attendant] as well...common friends." Ang sinasabi nitong si Shalani ay si Shalani Soledad, ang kilalang konsehala ng Valenzuela. "Ayun po. The same airlines kami. "Parang binlind date kami. So, at the start, group lang, labas-labas lang," salaysay ni Liv. Paano nagsimula ang relasyon nila bago sila ikinasal noong May 2009? Ayon kay Liv, "We've been together for a year before we got married. "Kasi, April 2008 when we got together. "Then, we got married May of 2009. Yun po. "Kasi, ako rin po, most of the time, wala ako 'coz nasa work. "So, tahimik lang," sabi ni Liz tungkol sa balita ng kasalan nila. Pang-ilang boyfriend niya si Tyron? "Pangatlo po. Puro long-term [relationships], siya lang yung shortest na one year. "So, it must be something talaga, kami talaga. "Kaya lang, I didn't know na ganito ang mangyayari..." May suporta ba mula sa kanyang pamilya? "Yes, my mom and sister have always been very supportive ever since. "Mga friends ko po nung college. Nagulat din po sila lahat," saad ni Liv. DECISION NOT TO HAVE A CHILD YET. Wala silang naging anak kahit mahigit dalawang taon na silang kasal. Paliwanag ni Liz ukol dito, "Gusto ko pong mag-baby, pero nag-decide kaming 'wag na muna kasi I'm always flying po. Mahirap. More than the radiation. Mahirap, lagi kang wala, malayo ang biyahe. "And naisip ko po, bata pa naman kami. And we travel a lot." Naiintindihan ba yun ni Tyron na hindi pa siya puwedeng magbuntis at bigyan ito ng anak? "Naiintindihan po niya yun. Kahit po i-check niyo ang Facebook niya," sagot ni Liv. Dagdag pa niya, "Nagta-travel po kami every year. "And sana nga, April daw, magha-Hawaii kami dapat." WHO IS TYRON? Ano ang pagkakakilala ni Liv sa asawang si Tyron? "Ako po, ang masasabi ko lang, he's a good man. Hindi po dahil asawa ko siya. "Napakabait po niya. Napakasimple. "Wala po akong masasabi diyan. Napaka-makatao. "At para pakasalan mo in a year's time!" Dagdag pa niya, "Naalala ko yung sabi ng mom ko, kasi I was thinking about yung [showbiz] career, kasi nga, hindi po stable, di ba? "Sabi ng mom ko, 'Yung money, you can work together. Pero yung ability to find a good person like Ty, it doesn't happen every day.' "Parang naisip ko, 'Oo nga, 'no?' "Sa kanya naman kasi... Well, sa work ko, ang mahalaga is security. And nakita ko yun sa kanya. "Actually, itong mga last... Etong November, okey naman po talaga kami," diin ni Liv. QUITTING SHOWBIZ. May nasulat na nakapagbitaw raw ng salita si Tyron na gusto na nitong mag-quit sa showbiz. Nabanggit ba ni Tyron ito sa kanya? "Opo," pag-amin ni Liv. "Kasi medyo...siyempre, frustrating at times. "Kasi, mula noong namatay ang manager niyang si Douglas [Quijano], parang he was doing... "Parang jumping into...parang he was trying to start again, parang nagsisimula uli. "Hindi katulad noong kay Tito Dougs, tatawagan lang siya, 'O, Ty, ganoon...'" Sumakabilang-buhay si Douglas noong June 13, 2009. Patuloy ni Liv, "Kaya po noong na-meet niya si Direk Jerry Sineneng, parang nagkaroon siya ng hope again na bibigyan siya ng chance sa ABS naman. "So, okey naman po siya. "Until noong mga last na, siyempre po, he got used to be working, tapos biglang wala na naman. "It's seasonal, kakatapos lang ng teleserye niya. "Sabi ko sa kanya, 'E, lagi ka kasing out of the country. Mag-focus ka rin.' "Ayun po, naiintindihan naman niya po. Pero siyempre po, kasama na rin sa frustrations niya... "Kasi, ikinukuwento niya, sa StarStruck noon sa GMA, parang unending yun na work nila, pagod na pagod sila. "Siguro, nanibago rin, gano'n." UNEXPECTED SUICIDE. Inamin ni Liv na hindi niya sukat-akalaing magagawa ng asawa ang magpatiwakal upang takasan o wakasan ang mga pagsubok sa buhay. Hindi raw ganito ang pagkakakilala niya sa namayapang kabiyak. "Hindi ko talaga inaasahan ito, hindi talaga," mariing sabi ni Liv. "Hindi po yun si Tyron, e, hindi niya personality yun. "Makulit siya, ganyan... Pero yung ganito, hindi po. "Saka, lahat po ng mga nangyari, sobrang bilis po. "Walang conversation na, 'Sa tingin mo?' Wala, e. "Talagang pagtawag niya sa akin, decided na siya. "And yung nakita siya sa likod ng car, na lahat naka-lock, hawak na niya ang baril, hawak na niya ang cell phone... "Parang planado na somehow. "Hindi na siya nakapag-isip." Kumbinsido si Liv na "suicide" nga ang nangyari at walang "foul play." Aniya, "As of now, hindi pa po naming nakukuha ang results, pero he died of [a] gunshot wound. "Pero yung gunpowder test, wala pa pong result, kasi ido-double check pa nila yun. "Wala pa. We're waiting. "Pero noong nakita ko kasi [yung car], lahat sarado. Lahat naka-lock... "Hintayin natin yung result. "Pero sa akin po, yung last na kuha niya was like that." Sa more than two years nilang pagsasama bilang mag-asawa, napansin ba niyang may "suicidal tendency" si Tyron? "Wala po!" mabilis na sagot ni Liv. "Meron po kaming major fight noon. "Nasa banyo siya, nag-lock siya. Ganoon lang. "Pero yung suicidal tendency, wala po. "Mahirap siyang makausap, pero pag nakausap mo siya, okey na siya ulit." THE GUN. Alam ba niyang may baril si Tyron—isang .22 caliber? "Hindi ko po alam kung saan galing yun," sabi ni Liv. "Alam ko po ito long time ago, pero nakalimutan na namin yun. "Hindi po namin alam na all along, bawat alis niya, dala-dala niya [yung baril]." Licensed ba ang naturang baril? "Hindi po namin alam. No idea. "Kasi po, we forgot about it a long time ago na. "Kasi, sabi po nila [authorities], it was too small na hindi nila halos nakita. "So, parang somehow, natago niya. "Noong sinabi niya na, 'Ayoko na, pagod na ako, tatapusin ko na ang buhay ko,' sabi ko, 'Bakit ganyan ka?' "Sabi niya, 'Dala ko yung baril!' "Naalala ko na naman na may baril nga siya. "Tapos, tinanong ko sa mama ko, 'Ma, do you remember kung may bala yun or ano?' "Sabi ng mama ko, 'Meron yata!' Ayun po..." -- Mell T. Navarro , PEP
Tags: tyronperez
LOADING CONTENT