Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tyron Perez, 'di raw dapat agad husgahan, ayon sa kaibigan at kapwa Starstruck Avenger


Dinumog ng mga tao ang libing ng yumaong aktor na si Tyron Perez nitong Huwebes sa Concepcion, Tarlac. Sa dami ng nakiramay, siksikan ang naging eksena sa prusisyon patungo sa himlayan ng dating Starstruck Avenger. Naging mahigpit ang seguridad sa Shrine Cemetery kung saan inilibing ang aktor. Sa dami ng nakiramay, ang ilan sa mga ito ay sa itaas na ng punungkahoy pumuwesto. Sa mismong libing, hindi mapigilan ang pagtangis ng kanyang kaanak lalo na ang kanyang inang si Lucia Perez. Naging emosyunal din ang kanyang ama na si Carlito na nagpahayag noon ng pagdududa na nagpakamatay ang anak sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. “Masakit pa rin sa amin na wala na si Tyron. Sa ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala," ayon kay Jenny Perez, kapatid ni Tyron. Dumating din sa libing ang dating kapwa Starstruck Avenger ni Tyron at matalik na kaibigan na si Christian Esteban. “He’s a genuine actor, very professional siya. We will miss working with him," ayon kay Christian. Hindi na rin napigilan ng aktor na isaad ang saloobin kaugnay sa mga umano’y panghuhusga ng ibang tao sa katauhan ng yumaong kaibigan. “Let’s not judge Tyron for what happened. You don’t need to say words against him especially for people who don’t know him and his situation," pakiusap ni Christian. -- JPonsoy/RTanedo/FRJ, GMA News

Tags: tyronperez